Iba talaga nung sinabi ko na kay papa yung totoo kanina. Di ko napigilan eh. Ngayon ko lang ulit naramdan yung pagiging sweet niya, ngayon ko lang ulit narinig yung
- Sorry na, anak.
- Pasensya kung di kita naasikaso.
- Di kita pababayaan.
- Mahal kita.
- Binibigay ko naman lahat eh, di kita pababayaan.
- Ikaw na nga lang tanging kakampi ko dito.
- Ako. Ako ang kausapin mo.
Tapos may yakap at kiss pa. Ang sarap talaga ng feeling. Isang rason na toh kung bakit di ako pumasok dahil sobrang nag break down ako and si papa na nagcomfort sakin.
